Oo unggoy ka, pero syempre joke lang yon sorry, naisip ko lang kase na tayong mga Pinoy ay mga racist. Naniniwala ka ba dito kaibigan?
Sa 19 years na aking pamumuhay dito sa earth,masasabi kong madami na din akong naexperience na may kinalaman sa racism, ewan ko lang sa inyo pero kase ako oo.
Nung bata pa ako ay nakatira pa kami doon sa Alabang, Muntinlunpa. Maputi ako noon at straight ang aking tagalog, pero nung bago ako mag grade 2 ay nalipat ako sa probinsya namin at doon ko narananasang malait dahil sa aking pagtatagalog at sa kulay ng aking balat.
"Tagalug! Tagalug!" yan lagi sigaw ng mga bisaya naming kapitbahay sa tuwing nakikita nila ako.
Sa pagkakatanda ko, nung nag 1 month na ako sa probinsya ay nagkaroon na ng pagbabago sa sarili ko, umitim ako ng sobra at fluent na ang aking pagbibisaya. Ngunit akala ko okay na ang lahat.
"Nigro! Nigro!" yan naman ang kutya ng mga bisaya kong kaibigan na akala mo ay mapuputi.
Bago ako mag grade 5 ay bumalik na kami sa Manila. Yan yung term kapag galing ka ng probinsya tapos pupunta ka ng Luzon. Dito na ako sa QC nakatira at nag aral ng grade 5. Akala ko okay na din kase dito ako nanggaling pero mali pala.
"Negro! Baluga! Bisaya!" yan naman ang kutya sakin ng mga classmates ko.
Nakakatuwang isipin na kapag may nabalitaan tayong panliliit ng mga taga ibang bansa eh galit na galit tayo pero bakit ganoon? Pag dating dito sa loob ng bansa, sa lipunan natin di mawawala yang mga racist taunts sa kapwa natin mga Pilipino.
Naalala ko habang nanununod kami ng PBA Game between San Mig Coffee Mixers vs Petron Blaze Boosters, free throw ni Marqus Blakely, import ng San Mig, black american, akalain mo ba namang may mga sisigaw ng UNGGOY sa crowd? Nakakahiya pramis!
Pero alam kong hindi lahat tayo ay ganoon, at alam kong hindi na maiiwasan ang mga ganoong bagay sa lipunan.
Noong ako ay naghighschool na, nagulat ako kasi wala na yung mga pang aasar na may kinalaman sa kulay, sa accent hanggang sa nakabuo na nga ako ng pagkakaibigan na hanggang ngayon na matanda na ako ay buo pa din.
Ang sabi nga, "Don't do to others what you don't want to do unto you" at tsaka alam nating lahat ang kahulugan ng salitang "respeto". Kaya respeto na lang sa bawat isa.
No comments:
Post a Comment